Workers of Kowloon House-West on strike

Kowloon West – West Avenue workers have long demanded for their management’s implementation of Wage Order no. 12 (July ’06) amounting to a P50 pay increase, WO no. 13 (Aug. ’07) amounting to P12, and WO no. 14 (June ’08), amounting to P20.

If these will be multiplied to the 120 Kowloon workers, the management have deprived them of P698,880 total back pay – an amount that can be paid by only two days of siopao sales (7,000 siopaos a day, P47 each).

Those who have been with the company for nearly 40 years only get a below-minum wage pay of P377 .

The workers held a protest action last June, outside duty hours and not blocking the restaurant operations, to insist on getting their share. The management replied by filing a case of illegal strike and illegal assembly, and by terminating 73 of them on the spot last Saturday.

Last September 18, the workers declared war – against bogus wage adjustments allowed by the gov’t, against a repressive management, against trade union busting.

Statement of Kowloon House West workers:
Kasalukuyan po kaming nakawelga.

Ibalik sa trabaho ang 74 manggagawang iligal na tinanggal!

Noong Sabado, September 13, hindi na pinapasok ng mga guwardiya ang 73 manggagawa dahil sa desisyong ibinaba ng National Labor Relations Commission (NLRC) na pumabor sa isinampang kaso ng Kowloon Management na illegal strike laban sa aming unyon.

MALI at WALANG BATAYAN ang naging desisyon ng NLRC. Ang piket-protestang isinigawa namin noong Hunyo ay mapayapang sama-samang pagkilos sa panahon ng aming breaktime. Walang natigil na produksyon, malayang nakakapasok ang mga kustomer sa restawran.

Kami ay naglunsad ng sama-samang pagkilos dahil sa hindi pagpapatupad ng management ng mga wage order na ibinaba ng Regional Wage Board. Maliwanag na paglabag ito ng management sa aming Collective Bargaining Agreement (CBA). Nakasaad sa aming CBA na dapat ipatupad ng management nang across-the-board ang anumang dagdag sahod na ipag-uutos ng gobyerno. Hindi naman nag-file ng exemption ang management kaya’t wala silang dahilan ibinbin ang mga wage order #13 nang mahigit isang taon at patuloy na binbin itong pinakahuling wage order #14.

Dahil na rin sa aming sama-samang pagkilos, napilitang makipag-usap ang management at nakipag-ayos na ibibgay nila ang P50, mula sa P82 (na total na utang ng management sa aming mga manggagawa mula sa hindi pagpapatupad ng Wage Orders #13 at #14). Buong tiwalang nakipagkasundo ang aming unyong sa management sa harap pa mismo ng National Concilliation and Mediation Board (NCMB). Bagama’t naniniwala kaming kayang ibigay ng amangement nang buo ang aming mga kahilingan.

TOTAL BACK WAGES NA HINIHINGI NG MGA MANGGAGAWA MULA SA MGA WAGE ORDERS = P3,498,600.00

BENTA NG KOWLOON HOUSE SA SIOPAO SA ISANG ARAW (7,000 pcs. X P47.00) = P329,000.00 X 11 DAYS = P3,619,000

11 araw na benta ng SIOPAO lang ang katumbas ng BACK WAGES ng mga manggagawa!

Ngunit sadyang TUSO ang mga may-ari ng Kowloon na sina Paul Ng at Michael Ng. Ilang linggo lang pagkaraan ng pag-uusap hinggil sa wage orders, lumalabas ang desisyon ng NLRC hinggil sa illegal strike at tinanggal ang 73 manggagawa at kasapi ng aming unyon. Isang beses lang pinatikim sa amin ang napagkasunduang P50. Ito na pala ang aming huling sahod at tanggal na kami sa trabaho!

Paul Ng, Michael Ng: MGA UNION BUSTER! MGA GANID SA TUBO!

May mga manggagawang 40 taon ng nagtatrabaho sa Kowloon: P377/day lamang ang sinasahod

May manggagawang 10 taon ng nagtatrabaho sa Kowloon: P250/day ang sinasahod

Kontraktwal pa rin at hindi ginagawang regular ng management

Walang payslip at hindi itemized ang mga salary deductions

Malinaw ring ang layunin ng kapitalista sa pagtatanggal ng 73 manggagawa ay ang WASAKIN, DURUGIN ang aming UNYON! Sagabal sa kanyang pagkamal ng sobrang tubo ang aming palaban at militanteng unyon.

Sa ganitong kalagayan, WELGA ang tanging armas naming mga manggagawa upang ipaglaban ang aming mga karapatan. Wala na kaming aasahan pa sa gobyerno at mga institusyon nito tulad ng NLRC. Sa halip na pangalagaan ang aming trabaho at kabuhayan ng aming mga pamilya ay sila pa mismo ang nagiging kasabwat ng management sa pagtatanggal sa amin sa trabaho. Pinapatay nila ang aming mga pamilya.

Kaya’t hinihingi namin ang inyong pag-unawa at pagsuporta sa aming welga. Tunay na makatarungan ang aming mga ipinaglalaban at patuloy kaming maninindigan hanggang makamit namin ang tagumpay!

IBALIK ANG 73 TINANGGAL NA MANGGAGAWA SA KOWLOON HOUSE!

SAHOD, TRABAHO, AT KARAPATAN – IPAGLABAN!

KONDEHNAHIN ANG SABWATANG NLRC at KOWLOON!

KOWLOON HOUSE WEST CHAPTER – GLOWHRAIN – KMU

Genuine Labor Organization of Workers in Hotel, Restaurant, and Allied Industries

KILUSANG MAYO UNO

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , . Bookmark the permalink.

5 Responses to Workers of Kowloon House-West on strike

  1. gingmaganda says:

    haggard naman ini, ateh. wit na ako makaon ng siopao ng kowloon! kaya pala nakakabulon, eh niluto ng walang pagmamahal!

  2. adarna says:

    ging ganda,sinabi mu pa! ako rin wit nang sharksfin dumpling dun.

  3. nandyan din ako noong araw na yan..ayan ung pagkatapos ng pukpukan sa bustillos dba? tunay na nakakalungkot ang nangyari sa mga manggagawa ng kowloon..Sana makapag BMI ako para makasalamuha ko sila ulit.

  4. Anonymous says:

    rich or poor, kill’em all… no people, no problem. yung owners are greedy, tong mga workers nmn na toh kung ano ano na yung sinasabi para masira yung reputation ng establishment. both are causeing traffic on my beloved west ave. they all can burn in hell.

  5. Anonymous says:

    ganun talaga pag pumayag kayo sa kontraktwal. bottomline is, PUMAYAG kayo sa KONTRAKTWAL. sana naghanap kayo ng job na pang regular.walang rights and privileges ang contractual worker or job. sweldo lang talaga. maraming naghahanap ng trabaho ngayon, kaya mabilis lang mapalitan ang tao.sabihin na nating ibigay nila ang back pay, hindi pa din nila kayo ibabalik sa trabaho. eh magkagalit na kayo eh. ikaw ba, kung binastos ka ng worker mo, kukunin mo pa ulit? naman. konting kahihiyan lang. sobrang kapal na ng mukha talaga ng pinoy. mukhang pera na nga, kapal pa ng mukha.eh kung gumawa nalang kayo ng sariling negosyo kaysa magtrabaho para sa ibang tao? kala nyo kasi madali. puro lang reklamo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s