tribute to sir nick

Prof. Monico Atienza’s wake lies at the UCCP (United Council of Churches of the Philippines) chapel along EDSA. he will be cremated tomorrow, december 8, 10am.

Arkibong Bayan mounted a loving tribute to sir nic here and here. bulatlat provides us a glimpse into sir nic’s colorful and meaningful life.

Ars poetica
para kay sir nick
disyembre 5, 2007

Minsan lang akong tumula
mas madalang pa kung
itanghal ang akda
Madalas kasing takasan ng talinhaga
Di kaya, malamang nga,
sadyang kimi sa lenggwahe
o mailap lang talaga ang
Salita.

Pero di ba’t sinabi mong
Maliit man at mangmang
May salita ring mahihirang?

Panaka-naka kung pumilantik
sa utak ko ang mga titik
Kung may hibik, hikbi, hagikhik
pana-panahong sumisindi
sa diwa
Nalilimot ang pagkakimi
nitong nagpapakamayumi.

Pero di ba’t sinabi mong
Maliit man at mangmang
May salita ring mahihirang?

Sinabi mo pa nga,
“Kung ano ang iyong sambit,
panindigan mo!”
dahil may kahihinatnan
matalas kung maipamalas
payak na puntirya
nagmamaka-makata man.

Salamat, salamat,
sa tikas mo’t ehemplo
“Makibaka!”
“Isulong!”
“Maglingkod!”
“Rebolusyon!”
Di na lamang mga salitang
pamimilosopo ng mangmang.

Hindi nga ba’t sinabi mong
Salita’t pananalita’y
Huwag pipigilan
Dahil maliit man at mangmang
May salita ring mahihirang.

Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , , , . Bookmark the permalink.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s