IWAS-PUSOY ni Marijoe Monumento*

1017, dyes-disisyete,
anak ng weteng, bumibinggo!
Ang ibig sabihin ng mga numerong ito,
BAWAL PATALSIKIN ANG PANGULO
Parang karatula sa kanto
Na ang multa ay aresto, dispersal,
Reyd, pananakot at pambubusal!

Dyes-disisyete ang proklamasyong numero,
Pero alam natin ang katumbas sa batas ng kanto.
Ang sinumang lumabag ay inuumbag ng siga:
Kinukuwelyuhan at binabraso,
Sinisinghalan ng hiningang
amoy-serbesa, at sinesermunan
Ng putak ng may mantika sa nguso.
Sumusunod ang masunurin
Dahil sapilitan. Di ba?
May siga bang sinsero
At talagang iginagalang?
Ganyan na rin ang diskarte
Ng pekeng pangulo,
Na kung hindi pwersahan
Ay hindi na makapamuno.

Sa dyes-disisyete na siya pumupusta:
Sa huli nyang baraha,
Sya na mismo ang Reyna
Na nagdurugo ang ulo
Sa pangungunyapit sa korona.
Pangil ang nakaumang
Upang harangan ang hindi nya maiiwasan:
BAWAL ANG BATIKOS
BAWAL ANG PROTESTA
BAWAL KUMILOS
BAWAL MAGKAISA
BAWAL SUMIKAT ANG ARAW BUKAS NG UMAGA

*Ang tulang ito ay mula sa EMERGENCIA POEMAS: Break Glass in Case of National Emergency

** photo courtesy of AP’s bullit marquez
Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged , . Bookmark the permalink.

11 Responses to IWAS-PUSOY ni Marijoe Monumento*

  1. kr.guda says:

    Laban ng Masa na rali ata itong kuha ni bullit marquez…

  2. rebyuwer says:

    hay ang laki ng file ng zine 10 MB hindi ko madownload mula sa internetan shet! wala namang fotoshop para macut and paste ang hitek nyong layout…4 dat, hulaan ko na lang ang mga tula sa OCR na file na chaka, pwede ba yun? try ko kung magagawan ng marangal na rebyu, kung hinde next tym pag me computer akong me net access

  3. adarna says:

    kr. guda,dehin, yung rally toits ng mga lawyers to ‘reclaim edsa shrine.’ rebyuwer,ako rin, nadodownload ko pero di ko mabuksan amputsa. ganito, hingi na lang din ako ng soft copy nung teksto lang mismo para mas madali. tapos email ko sa’yo. okidoks?adarna

  4. guillerluna says:

    sori mga mami, image lang kasi yung pinadala ni caler. for that hindi ko rin ma-upload nakabuklet mode pa siya for that i-retype ko siya. pramis.

  5. rebyuwer says:

    sana pdf file ang zine. plus me text file na copy yung mga akda na madaling idownload, i-cut and paste sa mga blog, etc.

  6. rebyuwer says:

    me rebyu na sa rebyuhan

  7. Anonymous says:

    Walang pinagbago ito sa nangyari kahapon, nangyayari ngayon at mangyayari bukas. Wala ring mapapala ang mga sigaw ninyo sapagkat kulang bala ang inyong programa. Puro angal, puro angal.Ito ang problema, mga bulag. Kayo-kayo ang isipan ninyo. Maling akala na elite kayo, na kayo ang matalino, na kayo ang may alam.Walang hantungan ang aklas na ganito, sapagkat sunod lang kayo sa isipan ng inyong kalaban. Hindi ninyo kayang umalsa sa isipan ng inyong kabaka. Ang kopya, pati mali dala.

  8. Anonymous says:

    Bakit si GMA lang target ninyo? Magaling kayong mag research di ba? Bakit di ninyo bulabugin ang mga kurap na tauhan ni GMA? Hard facts, exposed. Tapos kung talagang matapang kayo, iblog ninyo. Yan lang kung kaya ninyong makulong. Kasawa na itong mga tula at kung ano ano pang lumang satsat. Alam na ng buong bayan yan. Bakit di ninyo targetin ang BIR na imbistigahan ang mga tuta ni GMA na yumaman sa pagnanakaw, for example. Do something with substance. Tula tula, para sa inyo lang yan. Sa pangkaraniwang mamamayan na gusto niyong sumama sa pagbaka, no epek yan. Get real pipol!

  9. wow…eto ba ang anonymous admirer mo? masipag hane? wala rin akong bilib sa tula you know, bilib talaga ako sa research, yan ang ating katubusan…kpkk, if ya know wot i mean…natanggap nyo ba ang porn na ipinadala ko? nadiscover ko lang kanina kasi isang buwan ko na yatang di binubuksan ang email ko, tapos hindi ko mabuksan ang porn na apparently ay ipinadala ko nang hindi ko nalalaman, kase daily digest ako sa egroup…kagagawan rin ba yun ni anonymous?

  10. Anonymous says:

    Mas maayos pa itong kabalbalang ungol ni mumblingadarna, kaysa doon sa tula. Parehong walang sinabi, pero at least intong mumbling e mumbling.

  11. Anonymous says:

    is this what you call poetry? UGH! it is very obvious you can never reach the level of mike defensor, ignacio bunye, ronaldo puno, raul gonzales, etc… poets in their own fucking right!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s