Ang pagkakaiba nina Bosing at Hagorn

Totoo, sa akin, si vic sotto muna at pumapangalawa si pen medina.

Kayo na’ng bahalang mag-psychoanalyze kung bakit ‘mahilig’ ako sa matatanda. Basta para sa akin, mahirap ipaliwanag ang pagtangi. At walang musmos at matanda sa paghanga.

Si vic sotto, araw-araw kong napapanood sa eat bulaga. Hindi ako nagsasawa. Kahit sabihin pang corny na, kahit paulit-ulit na lang ang mga punchline niya. Magsulputan man ang mga cogie domingo at dennis trillo, iba pa rin si vic sotto.

Si vic sotto ang unang artistang nakita ko ‘sa personal’ noong elemantarya pa lang ako. Barbed wire lang kasi ang pagitan ng eskwelahan ko noon at ng Mowelfund Institute. Marami na akong nakitang artista sa barbed wire na pagitan simula noon, pero si vic sotto lang talaga ang tumatak sa utak ko. Kompositor ng mga kanta ng VST, ang walang-kamatayang si enteng kabisote, ang orihinal na lastikman, at ngayon nga’y ispiritista pa. Hindi siya kailanman katatakutan ng mga bata, lagi kasi siyang bida.

Di naman sing-dramatiko ang pag-usbong ng paghanga ko kay pen medina. Hindi naman kasi siya ‘sikat’ sa pamantayang tulad ng kay vic sotto. Isa sa mga underrated sa industriya ng pelikula, ika nga. Naging tatay ni eds sa tabing-ilog, manyak sa kulungan na nang-rape kay cogie sa death row, tambay at lasenggo sa kanto na walang kamalay-malay sa pagniniig sa scorpio nights. Kung tutuusin, hindi na nga siguro sisikat pa si pen medina sa henerasyon ko. Kikilalanin siya bilang Hagorn sa Encantadia. Kontrabida, nakakatakot, kaaway ng mga diwata. Forever character actor at hindi na nga siguro mabibiyayaan ng leading man role.

Di tulad ni vic sotto na sa telebisyon ko lang nakikita, makailang beses ko nang nakasalubong si pen medina sa mga kilos-protesta. Nandoon siya sa Ayala, sa Edsa at Morayta. Sa lansangan, ibang-iba siya kay Hagorn – walang nakakatakot na make-up at sandata. Kahit na kupas na pink na t-shirt na may sulat-kamay na mensaheng ‘Resign!’ lang ang suot niya, mapapansin mo siya sa gitna ng bulto. Bigla lang siyang darating, makikipag-usap sa mga kapwa nagpoprotesta at makikisalamuha.

Lalong ibang Hagorn ang humarap sa amin noong nakaraang cultural night ng mga magsasaka sa Dept. of Agrarian Reform. Hindi niya napigilang umiyak. Naaawa at naantig daw siya sa libong magsasakang limang araw na nagmartsa mula sa probinsya para lamang mapahayag ang kanilang mga hinaing sa Mendiola. Nangako siya noong gabing iyon na sasamang sasagupa sa Mendiola. Taga sa bato, at isa nga ang puting bunbunan niya sa libu-libong mamamayang nagprograma sa Morayta.

Sa pagkakataong iyon, walang barbed wire sa pagitan namin ni pen medina. Ika nga ng isang aktibista, kontrabida man siya sa Encantadia, bida naman siya sa masa.

Kaya naman gaano ko pa man hinahangaan si vic sotto, kahit papaano’y nabawasan na ang pagka-starstruck ko. Marahil dahil kapatid niya si Tito, o dahil na-link siya dati kay Kris Aquino. O dahil hindi ko pa siya nakakadaop-palad (o kapit-bisig) sa kahit na anong kilos-protesta.

Idol ko pa rin naman si Bosing. Pero ang pagka-starstruck ko, kay Hagorn na nabaling. ###


Advertisements
This entry was posted in Uncategorized and tagged . Bookmark the permalink.

2 Responses to Ang pagkakaiba nina Bosing at Hagorn

  1. kr.guda says:

    mukha bang tander si sinag? heheheh -kenneth-

  2. lisa says:

    ayaw ko kay vic sotto, pero gusto ko ‘tong sinulat mo 🙂 hehe. mabuhay ka!

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s